Archive Page 2
Awkward
Heto ang ilang awkward moments ko kapiling si Maria.
UNO
Naikwento ko na to before eh. May binili akong napakamurangspecial na pantali sa buhok. Mga isang set. Para ibigay kay Maria nung last birthday nya. At nung nagmeet kami para ibigay ko yon personally, nakita ko nagpagupit na sya ng buhok. Di na magagamit. Di ko alam kung itatago ko na lang ba yung regalo ko o isusubo ko isa-isa para maaliw sya
chilli: 1 (awm), two (awm)…. mwen! (translation: ten) nyerem!! (translation: JARAN!)
Maria: bravo! -clap clap-
DOS
Minsan magagamit rin ang kaluwagan ng MRT at kakulangan nito sa safety straps to my advantage. Sumakay kaming magbabarkada –actually ako lang yung lalake that time. So ako nun eh barkada-slash-bodyguard. Standing room only ang tren. Medyo mabilis magpatakbo si Manong at muntik nang matumba si Maria, naghanap sya ng makakapitan at ang nakita nya eh yung braso ko. — honest to goodness, di naman ako masel-masel na tao. Pero nonetheless, kumapit sya the whole trip.
–kinabukasan, nagsimula na akong magbuhat-buhat (ng timba) sa bahay
TRES
May kausap kaming old friend ni Maria at nagkukwentuhan sila ng mga karanasan nila. Nandon ako para umiskup ng storya. Something interesting. Dito ko napatunayan na be careful what to wish for kasi baka makuha ko nga ang hinahanap ko.
O.F: yang si Maria, saludo ako dyan (nagbobow pa) lakas nyan uminom, grabe. may tama na kami sya wala pa. wooo. saludo ako (nagbow ulet)
Maria: (napatingin sa kin na para bang gustong ideny lahat)
– the weekend after:
Comrade: so anong gagawin mo dyan sa kalahating case ng SanMig Lite?
Chilli: Basta, orasan mo lang ako pero bottle…. at ihatid mo na rin ako sa min if ever.
Nakakapanghinang ka-awkward-dan na yang tatlo pero eto sa tingin ko ang magsasara ng deal. Ang magpapataob sa mga record na yan. Malamang di nyo pa ako nabasang masyado naging agressive kay Maria. Pero may ganun nang nangyari at heto na yon. Basa: Continue reading ‘Awkward’
Filed under: Balita, Comrade&Chilli, Love layp | 9 Comments
Forbidden Questions
Comrade: Dude, may bago akong natutunang wisdom tungkol sa mga babae.
Chilli: game..
Comrade: Anong gusto mo: Good news o Bad news?
Chilli: Aba, bago yan ah… trivia tapos good and bad news. Sige, sa good muna
Comrade: Nalaman ko na ang mga babae kapag nakatahimik at nakatunganga ang totoo non nag-iisip sila ng malalim
Chilli: Aaahh..
Comrade: At tayong mga lalake naman, pag nakatahimik at nakatunganga ang totoo non ay nakatahimik nga tayo at nakatunganga.
Chilli: Good. Oh eh ano yung bad?
Comrade: Ang masaklap, ayaw paniwalaan ng mga chikababes yon.
Chilli: Saklap nga. Pero ngayong galing na sa yo tingin ko maniniwala na sila.
Comrade: Emen!
Kapag nakatunganga ako, pinipilit kong sagutin ang mga tanong sa mundo na tingin ko mahirap hanapan ng paliwanag. Kaya minsan inilista ko ang mga ito at nakabuo ako ng sampu. Balak ko na sa tanang buhay ko maarok ko rin ang sagot (ang laleeem -utot). Kung gusto nyo akong tulungan para mabawasan ang aking mga iniisip ayos lang… utang na loob ko sa inyo yon. Utot
HETO ANG AKING LISTAHAN NG MGA TANONG NA DI KO MASAGOT (– o di ko masagot ng tama) Continue reading ‘Forbidden Questions’
Filed under: Balita, Comrade&Chilli, House layp | 9 Comments
Humabol sa Undas
Ramdam na ramdam ko na Nobyembre ngayon. Dahil namatayan kami.
Bumangon ako kanina ng maagang-maaga dahil gusto ko yung nanonood ng palabas sa TV para magising lalo na kung si Bonggang-bonggang BITAG ang pinapanood ko (plugging? -utot). Ternohan mo pa ng pandesal na kasing-init ng kanyang mga expose eh ganadong-ganado na ko pumasok sa trabaho. Pero nabasag at nasira ang araw ko dahil sa nangyari…
Kakagaling ko lang ng banyo non at nagkakamot-kamot pa ko ng Continue reading ‘Humabol sa Undas’
Filed under: Balita, House layp | 1 Comment
hot mama!
WARNING: Ang post na ito ay may ipapakitang larawan na di angkop sa mga narrow-minded.
INTRO: RAMDAM SA BALAT
Hanggang ngayon para bang nararamdaman ko pa yung hulma ng palad ni Maria sa mga kamay ko. yikeeeee!!! Ewan ko ba. Napakamemorable. Napakasarap nung pakiramdam. Iba talaga pag RAMDAM SA BALAT. Dama mo ang init, ang pulso, ang contour o hubog. At marami pa akong bagay na alam na masarap ramdamin. Pero bago pa ako taasan ng kilay ni Loren Legarda eh itatama ko na ng daan ang post na to at deretso na ko sa topic ko: HUBAD.
And when I say hubad, as in PURE, UNCOVERED, WIDE-OPEN.
Isang araw, nakasakay ako sa bus. Umaga. Lunes. Natural wala na akong iba pang aasahan kundi ang siksikan at ang unahan sa pagsakay, pero awa ng Maykapal nakasakay ako. Pero punong-puno na ang bus kayat sa bandang unahan lamang ako napapwesto. Wala na kong maigigitgit pa. Nakatayo lang ako madalas sa byahe pero ganun pa man, masaya naman kapag nakatayo ka sa bus. Marami kang nakikita. Pero minsan, magugulat ka sa makikita mo. At itong ikukwento kong nakita ko n’on, hindi ko kinaya…
HUBAD. Una, piraso lang muna ng balat. Gusto ko sanang mag-react pero baka sabihan ako ng KJ. Alam ko kasing marami na rin ang nakakapansin maliban sa akin. Dahil ba sa tagal at boring ang byahe? Ewan ko. Inaamin ko gusto ko na sanang picturan ang one-of-a-kind moment pero baka mahalata ako at sabihan ng kung anu-ano. Nanahimik na lang ako. Nagpatuloy ako sa pakikinig ng radyo sa aking CP. Dumadami lalo ang tao sa bus. Aircon pero para bang umiinit na lalo. Dahil kaya naiinitan sya kaya ganun? Siguro. Dahil nang parang nainitan sya lalo, lalo pa niyang inilantad. This time di na sya nahiya. LANTARAN na talaga. HUBAD na talaga. UMAY GULAY! –di ba sya nahihiya?
Para ba akong napangiti. At alam ko marami din ang nagpipigil lang. Nakatitig lang ako. First time ko makakita upclose ng ganito. May mga punto pang inaayug-ayog nya at dinidiin-diin ang parteng yon. Para bang normal lang sa kanya. Kaya this time, di na ko nakapagpigil. Hininto ko sandali ang radyo ko at inactivate ang camera ng CP ko, gusto ko nang kunan ng larawan. Wala nang makakapigil sa akin. At isa pa ayaw kong ako lang ang makikinabang ng kakaibang nakita ko. Gusto ko i-spread sa iba. Ikaw, handa ka na ba makita? Bawal ang maarte dito. Ituloy mo kung gusto mong makakita ng hubad Continue reading ‘hot mama!’
Filed under: Love layp, Work Layp | 10 Comments
EKKK: Eh Kung ‘Kaw Kaya?
INTRO
Lumapit sa akin si Comrade isang umaga.
Comrade: Dude. Magkasama kami ni Comrade kahapon.
*** sa mga di nakaka-alam, pareho ang pangalan ni Comrade at ng GF nya.*** see post
Chilli: O
Comrade: May nangyari.
Chilli: Anu ba naman yan. Ganun na ba kalamig ngayon??
Comrade: Hinde yung ganun ng “nangyari”. Iba yung nangyari.
Chilli: kwento pa.
Comrade: Sinundo ko sya sa school nya, syempre paglabas nya BESO kami. Tapos binuhat ko bag nya para ako na maghirapdala
Chilli: gentleman -utot
Comrade: Eh kilala mo yun diba. Di agad umuuwi, may dinadaanan bang bilihan ng mga abubot yon palagi. Para bang araw-araw dapat may bagong bibilhin. So dumaan kami dun sa may tiangge. Pumasok sya, habang dun naman lang ako sa labas tumitingin ng CD
Chilli: tapos
Comrade: Biglang nagkaroon ng HULIHAN. Nagtakbuhan yung mga tao. Nagkagulo. Napatigil ako, gusto ko sanang tignan kung nandun si idol Edu Manzano. Nagsisikaripas ng takbo yung mga nagtitinda. Syempre mabilis
Chilli: Oo nga, tapos…
Comrade: Syempre natataranta na sila kasi baka madala sila sa presinto
Chilli: Oo nga, tapos…
Comrade: Syempre dala-dala nila yung mga paninda nila na nakabalot lang sa banig
Chilli: Oo na nga…ano na nga!!!???
Comrade: may….nahulog….na…CD….sa harap…..ko….sa bangdang harap….di naman harap na harap…per-
Chilli: Anong title? Clear copy ba? Peram
Comrade: Pangalan ng Exclusive School eh…
Chilli: Nakupo, yan ba yung tipong lipstick lang yung suot ng nasa cover?
Comrade: (tangu-tango)
Chilli: Pinulot mo ba?
Comrade: tinignan ko kung may dadampot….wala naman…
Chilli: Kaya dinampot mo na?
Comrade: Nilagay ko sa bag.
Chilli: yung VCD?
Comrade: DVD 9
Chilli: good choice -utot. EHEM. O Tapos?
Filed under: Art, Balita, Comrade&Chilli | 7 Comments
