Egg Shot
Simula nung magkaroon ako ng camerang may cellphone (Utot) eh sinimulan ko nang idebelop ang aking artistic, cinematographic, photographic at kung anu-ano pang skills na may “-ic”. Nakakaaliw. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit puro picture-taking ang inaatupag ng ilang tao. masaya eh. Iba ang pakiramdam pag may nakukuha kang mga moments gamit ang iyong camera. Ako, na cellphone camera lang ang gamit, ay medyo hirap na kumuha ng mga magagandang picture. Pagtyagaan nyo muna tong ilang mga kuha ko sa cp…



Pagtiisan nyo na kasi minsan may mga shots talaga na blurred… mintis… over-exposed (utot)..lalo pag may sumabay na magtext bigla… o kaya nalowbatt ako, mga ganun pero pag may chumamba, aba’y ngiting hanggang tenga na yan.
Pwede na pala ako nitong maging investigative journalist (pakialamero, in tagalog. Epal, sa salitang balbal) dahil kahit saan pwede na akong makakuha ng expose. Idol ko si Gas Abelgas. Napakamodulated ng boses nya. Pag nagkita kami reregaluhan ko sya ng isang bote ng Vicks 44 cough control.
Gas: SOCO?
Chilli: Hinde, Suck Mo
Gas: Ah, Suck Ko.
-apir-
Actually, nagsimula na ang aking pagiging I.J. , nitong nakaraang December. Minsang nakasakay ako sa bus na naghihintay na mapuno bago umalis. Nakapwesto ako sa may bintana para di naman boring. May namataan akong mag-jowa dun sa isang waiting shed. Naglalampungan. Nagpapatotoong malamig ang simoy ng hangin. Haay. Para bang gusto kong kunan ng video at i-submit sa boybastos.com, kaso pinasara na pala. Utot. Pwede rin namang i-adobe ko ang mukha ko at ni Maria sa video. LOL. Kainggit. Ang sweet-sweet nila para na silang arnibal na nagkatawang tao. Maya-maya pumara na ng masasakyan yung babae. gud bay na rin si lalake. Sumakay si lalake sa sinasakyan kong bus. SRO na lang ang bus at siksikan na rin. Nakatingin ako dun sa lalake na mukha pa ring tuwang-tuwa kahit naka-alis na si babae. Haay, pag-ibig nga naman…parang shabu. Nakaka-high. Utot. Nasa isip ko “Napakaswerte nitong lalakeng to siguro. Parang blanko pa rin ang tingin ng mata pero yung ngiti hanggang tenga. What’s his secret?” Nalaman ko naman bago ako makababa ng bus..mamaya malalaman nyo rin. Nagsimulang umandar ang bus. At umandar na rin ang aking pagka-J.I. At di nagtagal may napansin na akong kakaiba. Agad kong kinuha ang aking camera at CLICK! -case closed-

Kung may tinatawag na HEADSHOT, eto ang matatawag na EGGSHOT. LOL
Napatingin ako sa paligid at naalala kong nasa Cubao pala ako. Isang lugar na maraming “♫ to the left, to the left♪ “ O biglang liko. Haay. Ngayon klaro na. Bay, Sa susunod check all your belongings before checking-out okey? Baka smile ka ng smile dyan, nakalipad na pala di mo lang alam. Lol.
Filed under: Art, Balita, Comrade&Chilli | 11 Comments

at talagang nakita mo yun ah. ampf. nagkaroon ka lang ng celpone na may kamera. haha. pero teka, asan ang egg dyan? di kaya gumulong na palabas? bwahahahaha
chilli: nagpapasalamat talaga ako sa makabagong teknolohiyang ito. lol.
ahahah…tama si jeck asan ang egg jan??
nung sinisimulan ko pa lang basahin akala ko yung egg yung unang pic sa taas…sabi ko sa sarili ko “huwaw ang galing!!! yung shell ng egg nagawang flower!!!” LOL (that is what u call imagination!!hahaha)
isa kang magaling na photographer slash I.J. *clap*
-apir!!
chilli: ahahaha. napaka-artistik ko namang masyado nun pag nagawa ko yun. lol
hahahahaha…!!!ang husay ng shot…buti hindi ka nahalata..na nakunan moh yung..bukas na pugad..ahahahahah..!!! nakoh..nakalipad na ata yan ah!>..mukang wala ng laman.!hahahahaha!
chilli: kodak moment yan. LOL. Uso pa ba yun? Utot. Andaming naghahanap ng itlog ah… oy matagal pa easter egg hunt LOL
huli ka balbon!
chilli: hahahaha. “huling-huli ng hidden camera” — boses mike enriquez. LOL
yung mga unang kuha mo nakukutuban kong grab lang yung panghuli hehe yan oh yung outer space nyahah yung madaming bituin…at anu b yung bilog jan heh…
nakalipad na nga ata yung ibon kasi parang walang laman na nga …tsk..tsk…
hehe walang kamalay-malay si lalake…
chilli: di ah…kutob mo lang yun…ako talaga kumuha ng mga yan …(-maniwala tanga. LOL)
ang nice ng phone mo ha ilang megapixcel yan hek3…/
san ka napadpad?
di pa ako nakakakita nung ibon na iyon?
hahaha.
di mo talaga tinantanan.
buti di ako nabiktima.
napadaan lang po..
hang tagal na pala napost tong entry na to pero now ko lang nabasa..cool jeje..
yung guy mukhang naiwan kay gerl yung ibon…hahaha
hanep sa cp camera, kayang kunan ang milky way hahaha. musta na pre?
pano mo na kuhanan ung outer space?
Zipper na bukas ba yan? sadya nya siguro pinakuha yan. kala nya kc pedeng maging artista ang etits nya..
sana humingi ka na rin ng autograph…
cge bb daan daan lang ako Hehe
hay grabe toh hahahaha
)
naEXCITE pa naman ako kung anung egg.
ampootek!
buti na lang hindi ako iyong nakunan mo.
lagi ko pa naman nakakalimutan magsara ng zipper.