Resolution

09Ene09

Tambay.

Chilli: So anong bago sa nyo ngayong new year, dude?

Comrade: Well, marami akong napagnilaynilayang mga bagay-bagay.

Chilli: Naks! Yan ba inatupag mo nitong bakasyon

Comrade: Hinde, kanina lang bago bumangon.

Utot

Chilli: Ano yan, new year’s resolution

Comrade: Yeap. You will be proud of me my friend.

Chilli: Sige, nga… share

Comrade: Teka, ikaw ba meron ding new year’s resolution?

Chilli: Ofcourse.

Comrade: Talaga, ano?

Chilli: Kaw muna

Comrade: Sige. Ang aking new year’s resolution ay may kalaliman. Naalala mo yung nagtrabaho ako sa call center?

Chilli: Yung halos magbuhay-paniki ka na. Yung kapag tinatanong ka eh di mo na alam kung anong petsa na

Comrade: Tumpak! Yung pakiramdam ko eh ako si Edward ng pelikulang Twilight

Chilli: Dahil buhay bampira?

Comrade: Hinde, dahil mukha na kong di naliligo.

Chilli: Oh eh diba totoo naman. Anyway, anong koneksyon non?

Comrade: Dude, di na ako magsasalita ng ingles. Mahal ko na ang sarili nating wika. Di mo na ako maririnig magbanggit ng wikang banyaga.

Chilli: Talaga, hindi na?

Comrade: Never again! Utot.

Chilli: Parang narinig ko na to, porkchop to eh. Utot. Ako ang new year’s resolution ko eh hindi na ako magsasalita ng tapos.

Comrade: Ang galeng. Eh paano kung… ?

Chilli. ah basta, PERIOD. Utot.



One Response to “Resolution”  

  1. d nga chilli?

    tapusin muna …

    hek3

    XD


Leave a Reply