Pa-utot

08Ene09

Matapos ang napakahabang bakasyon na kain-tulog-t@3 (KTT) lang ang inaatupag eh balik trabaho na naman. Wooohooo! (bakit ba ako masaya? -utot)

Kapag binabalikan ko ang mga nangyari noong christmas at newyear break eh di maiwasang mapuno ang isip ko… ng hangin. Dahil wala nga akong inatupag kundi -KTT. Tumaba lang ako ng mga wan en a hap inch. Ganun talaga ang mangyayari kung ang tao eh humihilata at nagte-text na lang pagkatapos lumafang. Utot. Uy!!! Text! So KTTT na pala. Kain-Tulog-T@3-Text. Minsan sabay yung dalawang huli. Minsan yung Una saka huli. Sa kabutihang palad hindi naman nagsabay yung second at third. Utot.

Marami akong kwentong nakalap pero iisa-isahin ko na lang ngayong Enero, (abangan nyo na lang at aabangan ko rin -utot) maraming exciting na nangyari kahit KTTT lang ako. Dahil nag-Travel din ako

Comrade: Sosyal!

Uy! Travel..another T. So KTTT-T. At yep, pwede ring kombinahin ang T na yan sa iba pang nabanggit. Bahala na kayong umisip sa TT ninyo. Utot.

Dapat talaga bukas pa ako magpopost..pero di ko lang talaga kayang itago pa ang kasiyahan kong naramdaman kahapon pa (so isang araw na syang nabuburo sa utak ko at isang araw ko na syang kinakabaliwan). Isang bagong discovery para sa inyong lingkod, na tunay namang nagpasiklab ng aking unang linggo ng aking 2009. Eto yon.

Tamaan wag magagalit. May mga taong nakakatawa yung apelyido. At di ko gagayahin si Bob Ong na naglista ng mga apelyidong nakakabungisngis at nakakainis. Ikukwento ko ang ang karanasan ng aking kasamahan sa trabaho, karanasan nya sa isang taong may pambihirang pagkakakilanlan.

Normal na buhay sa opisina.

KST (Kasamahan sa Trabaho): Hi ma’am, naryan na po ba si Mr. (tooooot)

*name witheld

PN (Pambihirang Nilalang): Ay, wala pa sya eh. Try mo na lang bukas.

KST: Ah, sige po. Salamat po

Chilli NOTE: Hep hep hep — ok na sanang conversation yon diba, sabay baba ng telepono. Pero alam ko na ang pamantayan o ISTANDARD (lol) ay dapat mong kunin ang pangalan ng iyong nakausap para naman mabigyan mo ng value ang kanyang pagtityagang angatin ang telepono at kausapin ka.

-source: Powerful Telephone Skills; McGraw Hill

KST: By the way, si KST po ito. Kayo po pala si…?

PN: Eula

KST: Ms. Eula?

PN: Yes

KST: uhm, ano pong apelyido nila?

PN: Eula na lang

KST: ahehe (talagang pang-text ang tawa eh no? Utot) Kailangan ko pong malaman yung apelyido ninyo para po malagay namin sa record

PN: Ah..eh..Baka tawanan mo eh

KST: Naku, hindi po.

PN: Haha, kailangan talaga?

KST: Opo

PN: Hindi na siguro. Wag na lang, ampanget eh

KST: Okey lang po yun

PN: O sige ah, i-spell na lang natin ah.

KST: Sige po

PN: Yu….Tee…Oh…

KST: Ah, yun na po?

PN: Hinde, may kasunod pa, o eto yung susunod… Tee-Eee-Ar-Ey!

KST: (nagdya-jot down in silence) U….T….O….T…..E….R…..A

*matinding katahimikan*

PN: Oh, ano nabasa mo na ba? Ampanget no?

KST: Opo. Di naman po ah (nagpipigil ng tawa)

…At yon ay naging simula ng magandang pagkakaibigan – UTOT.

Nang ikinuwento sa kin yon ni KST, napa-isip ako. Ang alam ko pwedeng magpapapalit ng apelyido pag talagang di sya katanggap-tanggap. Pero may mga kaso na kung doon na nakilala sa bansag/apelyidong yon ang angkan ay malamang piliin ng pamilya na huwag na yong ibahin. Sooo? Hay nako. Ayaw ko nang mag-isip. Basta. Happy na ang New Year ko.



One Response to “Pa-utot”  

  1. utot hek3…

    UTOTERA

    ano kaya itsura nya noh…

    XD

    chilli: cge,cge, lets try to imagine…HAHAHAHA


Leave a Reply