Project: TUBElen
Backtrack tayo sa buwan ng October
Simula nung naging trend ang pag-inom ng mga bottled natural juice drinks eh naki-uso na rin ako. Madalas akong bumili sa Sebenileben ng Situ o ng Pab (utot). Goal ko ba na magpababa ng timbang at magbawas ng bilbil? Hinde. Nakikiuso lang ako sa mga taong mahilig magbitbit ng mga boteng plastic. Kada bili ko kapag naubos ko na eh iniimbak ko sa drawer ko, dahil alam ko meron akong pananagutan sa kalikasan (takot akong tamaan ng kidlat) kung itatapon ko na lang basta-basta yung basura ko sa kung saan-saan gaya ng sidewalk, elebeytor at opis ng boss. Simple lang ang routine: bote-drawer, bote-drawer, bote-drawer. Malamang sa kasimplehan nyan matalo ko pa si Dora sa pagmemorize. Dumalas ng dumalas hanggang sa di ko na malagyan pa ang drawer. OMG! Anong gagawin ko sa mga boteng ito? Nag-isip ako. Wala akong maisip. Utot.
Malapit na ang UNDAS (remember backtrack ito – utot), pwede ko sigurong gawing candle holder ang mga ito. Yeeeessss…nag-iisip. Pero baka naman pag ginawa ko yon eh may magcomment sa akin: “Brownout ba?” “San ang birthday?” “Diba bawal na ang dynamite fishing”. Kaya ibinasura ko na ang walang kwentang ideyang yon at nagpiga ng iba pang pwedeng gawin. Ibenta ko kaya sa recycling shop. Tama! At kikita pa ako. Ang kaso, per kilo ang bentahan dun at itong nasa akin eh wala pa yatang wamport.
Junkboy: Boss, dalawang guhit. Eto Tripipti
Chilli: Utot.
Alam ko may iba pang pakinabang yan maliban sa maging tampukan ng kantyaw at tumbasan ng tripipti pesos. Pero di ko pa sa ngayon malaman. Inimbak ko muna ang mga bote sa bahay namin ng mga isang buwan.Hanggang sa sumapit ang huling linggo ng November.
Malapit na ang pasko, kelangan ko na magdecorate. Yey! Ito ang pinakagusto kong parte ng pasko, ang pagdedekoreyt ng bahay. Inilabas ko na ang mga kailangan…parol (na may naka-imprenta pang Philippines 2000 at picture ni FVR), lumang christmas light, pandak na christmas tree at ilang bola-bola na pwedeng isabit doon. Ilang sandali lang, mukha ng beer garden paskung-pasko ang bahay dahil sa mga palamuti at higanteng mirror ball na nasa gitna. Wala kasi kaming makitang ibang malaking centerpiece kaya yung mirror ball na lang.
Comrade: Wow! Sinong may birthday? Anong oras ang sayawan?
Chilli: Nakakain ka na ba ng christmas ball?
Comrade: Wow! Ang gara ng parol, may slogan pa
Chilli: Gusto ko talaga yan…kasi may “okey” sign. Kamay pa ni FVR.
Comrade: Ang christmas lights, hanep! Ambilis mag-blink
Chilli: Maluwag na kasi yung mga wiring, napupundi na rin yung mga bumbilya kaya ganyan.
Comrade: Ang christmas tree, WHITE na WHITE! Isteytsayd ah
Chilli: Naloko kami nung nagbenta sa min, nangupas yung kulay nung nilabhan bago itago last year.
Comrade: (ngiti) Ang ganda talaga! Ang ganda-ganda!
Chilli: Kumain ka na ba?
Comrade: Di pa, ano bang ulam nyo?
Chilli: Sabi ko na nga ba eh.
Nagliligpit na ko ng maispatan ko ang mga boteng plastik na isinako ko last month. Andun pa rin sila. Hmmmm. Lumingun-lingon ako sa aking bagong dekoreyt na bahay. Parang may kulang. Kinuha ko ang wallet ko at tinignan kung magkano pa ang pera doon sabay alis papuntang National Bookstore.
Comrade: Oh, san ka pupunta?
Chilli: Dyan ka lang bantayan mo yung metro ng tubig
Comrade: Huh? Bakit
Chilli: Tumatakbo eh
Comrade: Utot
Bumili ako ng ilang mga art materials. Tamang crafts ako ngayon. Ilang cartolinang makukulay, glue gun, glue stick at pentel pen ang aking binili sabay uwi na. Exciting. Sabak kaagad ako sa workshop area (slash-living room-slash-dining room) at nagsimula nang paganahin ang aking imahinasyon at pagkabatang-isip. At tunay nga naman…matapos ang ilang oras, bago pa man kumagat ang dilim…

JARAN!!! Yehey! Meri Krismas Tu Mi♫♪
Comrade: Wow! Nagawa mo ba yan dahil sadyang creative ka lang o dahil wala kang pambili ng totoong belen?
Chilli: HAHAHAHA……………………….O.0……………Both.
Utot
Filed under: Art, Comrade&Chilli, House layp, buhay bahay | 13 Comments

ang cute naman niyan… ewan ha, pero naalala ko iyung mga lego ko nung nakita ko iyung ginawa mo… nice job!
chilli: hahaha..kahawig eh no?
asan si baby jesas?
hmmm. yakult gamitin mo!
haha. meri krismas!
chilli: hahaha..magandang ideya!
ang kutikyut kyut naman ni mama mary jan nagawan mo sya ng belo ang nice yun nga lang sana kuya kulay puti hehe bat kulay blue hehe…tnx kuya sa pag x-links ha hehe wag ka din sana mag sawa i view ang post ko nyahaha …tnx
chilli: kasi puro puti na eh… ang plain-plain hahaha. Sure.
asan si jesus?
nasa tyan pa ata ni mama meri… lols
nice, creative…
chilli: dadating pa lang (utot) hahaha
aba, sana maisip din ‘yan ng iba pang umiinom ng mga de-bote.
the environment loves you.
-tenco
chilli: baka bigyan ako ng certificate of appreciation no? LOL (utot)
may silbi rin pla ang Situ.
haha.
nice post!
lumang joke na yung sa metro na tubig pero natawa pa rin ako.. ahaha
ayos pwedeng pwede ka na sa kiddie show na art angel
mukhang pringles
MERRY CHRISTMAS FROM MY FAMILY TO YOURS!
KURI, WIFEY AND LILO
Merry Christmas sayo chilli!
napakacreative mo chili. pede ka nang ifeature sa rated K. astig. pahabol na meri xmas at adbans happi nyunyir!!!
Ajmel altehani bemonasebt almīlad wa helol alseneh aljedīdah!!!
wahaha. risorspul!!! asteg!!!
hapi nu yir!!!