Awkward

03Dis08

Heto ang ilang awkward moments ko kapiling si Maria.

UNO

Naikwento ko na to before eh. May binili akong napakamurangspecial na pantali sa buhok. Mga isang set. Para ibigay kay Maria nung last birthday nya. At nung nagmeet kami para ibigay ko yon personally, nakita ko nagpagupit na sya ng buhok. Di na magagamit. Di ko alam kung itatago ko na lang ba yung regalo ko o isusubo ko isa-isa para maaliw sya

chilli: 1 (awm), two (awm)…. mwen! (translation: ten) nyerem!! (translation: JARAN!)

Maria: bravo! -clap clap-

DOS

Minsan magagamit rin ang kaluwagan ng MRT at kakulangan nito sa safety straps to my advantage. Sumakay kaming magbabarkada –actually ako lang yung lalake that time. So ako nun eh barkada-slash-bodyguard. Standing room only ang tren. Medyo mabilis magpatakbo si Manong at muntik nang matumba si Maria, naghanap sya ng makakapitan at ang nakita nya eh yung braso ko. — honest to goodness, di naman ako masel-masel na tao. Pero nonetheless, kumapit sya the whole trip.

–kinabukasan, nagsimula na akong magbuhat-buhat (ng timba) sa bahay

TRES

May kausap kaming old friend ni Maria at nagkukwentuhan sila ng mga karanasan nila. Nandon ako para umiskup ng storya. Something interesting. Dito ko napatunayan na be careful what to wish for kasi baka makuha ko nga ang hinahanap ko.

O.F: yang si Maria, saludo ako dyan (nagbobow pa) lakas nyan uminom, grabe. may tama na kami sya wala pa. wooo. saludo ako (nagbow ulet)

Maria: (napatingin sa kin na para bang gustong ideny lahat)

– the weekend after:

Comrade: so anong gagawin mo dyan sa kalahating case ng SanMig Lite?

Chilli: Basta, orasan mo lang ako pero bottle…. at ihatid mo na rin ako sa min if ever.

Nakakapanghinang ka-awkward-dan na yang tatlo pero eto sa tingin ko ang magsasara ng deal. Ang magpapataob sa mga record na yan. Malamang di nyo pa ako nabasang masyado naging agressive kay Maria. Pero may ganun nang nangyari at heto na yon. Basa:

Isang tanghaling MAINIT. >_<

Chilli: (sa cellphone) talaga. di nga? sigurado ka.

*syempre kinat ko na yung mga maraming CHOPPY moments* (utot)

Maria: sasama ka ba o hinde, minsan lang ako matuwa ah.

Chilli: sige sige. sa inyo ba?

Maria: oo, punta ka na lang

Chilli: San ka naman nakakuha nya?

Maria: Pinahiram lang ng uncle ko

Chilli: talamak! (halos manghina ako sa kinatatayuan ko)

Maria: O sige babay na, text mo na lang ako dahil ako lang tao dito hanggang mamaya, walang ibang magbubukas ng pinto

click. you are out of load

Perstaym!!! Manonood daw kami ng DVD sa kanila. Taragis. Kelangan ko tawagan si Comrade.

Comrade: HINDI NGAAAA?????!! Sinabi nya talaga na manood kayo non?

Chilli: Oo. Malinaw na malinaw…well, malabo ang signal…pero yun ang sinabi nya

Comrade: Yan na yun my friend, its time. Handa ka na ba?

Chilli: Ewan ko ba, manonood lang naman. Bakit ba ako kinakabahan?

Comrade: Eh kasi sya lang at ikaw ang nandun, tapos ganun pa ang papanoorin nyo.

Chilli: Anong dapat kong gawing paghahanda???

Comrade: Kelangan mo na mag-ahit

Chilli: Huwat? ng ano?

Comrade: Based on experience my friend, matatangay kayo nyan, kelangan handa ka. Dapat oras na nandun na eh wala na syang dahilang kumalas. Gusto mo bang maturn-off sya, at magunaw na ang lahat ng possibility. Sige na. Ahitin mo na yang bigote mo. Bilis!

After noon, mukha na akong totoy. tao

Comrade: Anong oras daw ba?

Chilli: Ako daw ang bahala.

Comrade: Naligo ka na ba?

Chilli: Teka, kala ko ba sabi mo mas maganda yung hindi naligo, para yung natural na halimuyak ang naaamoy

Comrade: sa case mo, mas ok na maligo. walang gayahan ng istayl

Ahit na. Naligo na. Okey na.

Comrade: Tara!

Chilli: Sasama ka??

Comrade: Hinde, may ibibigay ako sa yo.

Mula sa ilalim ng kama dumukot sya ng isang maliit na pakete na pamilyar ang laman.

Comrade: Tandaan mo ang sinabi ni John Lloyd,

Comrade, Chilli: Ingat -apir-

Handa na. Umalis na ako papunta kina Maria. Parang dinudunggol pa rin ang dibdib ko. Tinext ko na sya.

Chilli: B there n 5 min Ü

Maria: K lng mga 10, ligo lng me

Taragis, sana di nabasa ng katabi kong malikot ang mata yung text message. Bumaba ako, medyo maaga pa, 5 mins pa. Naglakad-lakad muna ako. Umihip-ihip ng sariwang hangin. Naghahanap ng lakas ng loob. “Chilli, this is the moment..” Nag-jogging-jogging pa ako at nag-shadow boxing sa harap ng bahay nina Maria

“huff-huff, right hook, left hook”

Bumukas ang pinto. Si Maria.

“Tamang-tama lang pala ang labas ko eh, o pumasok ka na, bibili lang ako ng pika-pika.”

Sheesh. Ibang klase ka talaga. Nakukuha mo pang kumain ng pika-pika samantalang tayo lang ay okey na. Pero baka naman may gusto syang ibang gawin sa pika-pika baka gus- ERASE ERASE ERASE! Pumasok na ako. Taragis. Tahimik ang bahay. Wala ba talagang ibang tao dito. Kelangan ko siguraduhin, mahirap na. Tinignan ko ang ilalim ng sofa – wala. Ilalim ng hagdan – wala. Likod ng ref – wala. Aha, baka sa banyo may nagtatago… binuksan ko ang pinto. Amoy pa doon ang shampoo ni Maria na naamoy ko rin kaninang sinalubong nya ako. hayayayayaaay….♫

“Oy, chilli anong ginagawa mo dyan”

“Ah-eh, magsi-C.R. lang ako Maria sandali”

“Sige, nasa kwarto lang ako. Mag C.R. ka na. Wala nang babaan, ayaw ko nang papause-pause tayo mamaya.”

Ulp. Para bang nalaglag sa balls ko yung puso ko. “Ohhh♫-ehem-Okey. Susunod na”

Pumasok ako sa kwarto. Andun si Maria. Umupo ako sa gilid ng kama. Nakatalikod sya sa kin habang sinasalang ang DVD

“Di ko alam gusto mo pala ng ganyan?”

“Ay nako, di mo lang alam. Yan ang pangtanggal ko ng stress” Humarap sya sa kin. “Ikaw, mahilig ka rin ba? Umamin ka Hihihihi”

“Ah, eh..depende..(lunok)..sigurado ka ba dito Maria??”

“Oo naman, minsan lang ako pahiramin ng uncle ko ng bago no, madalas kasi sya lang ang nagda-download mula sa internet. Pero clear naman. Pero minsan sya lang gumagawa mag-isa. Alam mo yon..patago..astig diba”

“Siya ang gumagawa?? Edi sya ang bida?”

“Anu ka ba, bida saan? Anong bida?”

“Dyan sa palabas” para ba akong masusuka

“Imposible yun no. Pambata kaya ito.”

“Pambata?….. Bakit, ano ba yang…. ah…..(lunok)…BOLT”

“Oo, ano bang sinabi ko sa yo? Gusto mo ba ng iba?”

“Iba…( oo, IBA-to nyo ko sa outer space – taragis. Nag-ahit ako for this?)”

PS. Naisip ko, sana pinatext ko na lang muna yung title…(utot)

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA



9 Responses to “Awkward”  

  1. haha! potek ibang klase ka talaga magkwento puro pasabik. pero kahit anong palabas pa yan wala ka na pakialam dahil napakaganda ng set up..nasa loob kayo ng kwarto..may kama. at walang ibang tao sa bahay. raaawwwr!

    chilli: pero kahit masakit sa puson…tiis muna (utot)

  2. maaasahan talaga si Comrade.
    ke galing na magpapayo. :lol:

    chilli: sinabi mo pa..-apir-

  3. 3 faith

    ahahahahah…aliw…

    chilli binoto kita dun sa pacontest ni greenpinoy http://greenpinoy.com/ang-ultimate-pilipinong-makulit...
    natutuwa kc ako ky maria…hahahah…utot..
    ang totoo namiss ko si comrade…(kung sino man siya)
    -pEyt-

    chilli: salamat peyt -apir-. Yaan mo minsan ipopost ko yung picture namin tatlo hehehe…KAPAG NAG-ALIGN din kami gaya ng venus, jupiter at buwan hehehe (utot)

  4. ahahaha. pero aminin mo, the movie was sooper hilarious di ba? i loved that movie. at natutuwa ako kse nung nanood ako ng movie last weekend puros kids kasabay ko. di nakakahiyang humagalpak ng tawa. hehe.

    magaling ka talaga magkwento chilli. more! more! hahaha.

    chilli: oo..super aliw si Maria. Ako naman aliw na aliw din…sa kanya -apir-

  5. hanep. iba ka talaga! kumbaga, kakaiba ka maghain ng putahe. galing-galing!
    abangan ang susunod na kabanata ng teleserye ng lablayp niyo ni maria. ahaha..

    chilli: na tunay naman na kaabang-abang. Naks! utot

  6. bwahahahaha! mahirap pag choppy ang linya, pumapasok sa tenga mo yung gusto mong marinig!

    chilli: hahaha, tama. minsan nga ang narinig ko pa “chubby ka..chubby ka..” utot.

  7. ikaw lang chili ng kayang magsalaysay ng mga ganitong kwento. at astig akala ko kung anong actionna ang mgaganap? wag ka kasing assuming, ibahin mo si maria, dalagang Pilipina yan hehehe

    chilli: honga. tama ka… iba sya…she is anothers (utot) hahaha. muntik na akong mapasabak ng wala sa oras

  8. ahahaha…tawa na naman ako ng wata..chubby ka, chubby ka…ahahhaa!

    ANG DAMI MONG ALAM! ahaha! hayn tuloy! =p

  9. wata*

    wat-a-typo..ang galing ko talagang magtyp…hmf!

    tawa na naman ako ng TAWA


Leave a Reply