Forbidden Questions
Comrade: Dude, may bago akong natutunang wisdom tungkol sa mga babae.
Chilli: game..
Comrade: Anong gusto mo: Good news o Bad news?
Chilli: Aba, bago yan ah… trivia tapos good and bad news. Sige, sa good muna
Comrade: Nalaman ko na ang mga babae kapag nakatahimik at nakatunganga ang totoo non nag-iisip sila ng malalim
Chilli: Aaahh..
Comrade: At tayong mga lalake naman, pag nakatahimik at nakatunganga ang totoo non ay nakatahimik nga tayo at nakatunganga.
Chilli: Good. Oh eh ano yung bad?
Comrade: Ang masaklap, ayaw paniwalaan ng mga chikababes yon.
Chilli: Saklap nga. Pero ngayong galing na sa yo tingin ko maniniwala na sila.
Comrade: Emen!
Kapag nakatunganga ako, pinipilit kong sagutin ang mga tanong sa mundo na tingin ko mahirap hanapan ng paliwanag. Kaya minsan inilista ko ang mga ito at nakabuo ako ng sampu. Balak ko na sa tanang buhay ko maarok ko rin ang sagot (ang laleeem -utot). Kung gusto nyo akong tulungan para mabawasan ang aking mga iniisip ayos lang… utang na loob ko sa inyo yon. Utot
HETO ANG AKING LISTAHAN NG MGA TANONG NA DI KO MASAGOT (– o di ko masagot ng tama)
1. Hindi ka ba normal na tao?
Hindi ka ba naliligo araw-araw?
–para kasing pag sinagot ko, Oo man o Hinde, talo. (utot)
2. Kung mag-isa ka lang na nakatira sa iisang bubong, sinong maghahawak nito pag ikaw ay dyumudyingle?
Bakit ang Mighty Bond hindi dumidikit sa lalagyan?
Bakit walang tindang hotdog sa McDonald’s?
Kapag nanonood ako ng sine, aling armrest ba ang para sa upuan ko? Yung sa Kaliwa o kanan?
-naiisip ko na ang buhay pala parang status sa Friendster — it’s complicated.
3. Ano ang apelyido ni Satanas? Mr ba sya o Mrs.
Meron bang salitang dictionary sa dictionary?
-mga tanong na masyado pa akong bata o tinatamad para sagutin
4. Bakit ang Vanilla ice cream kulay puti pero ang vanilla extract kulay brown?
Bakit ang Taho kulay puti at ang Toyo kulay itim eh pareho namang soya yon?
- may nanloloko ba sa ‘tin? Kelan ba idedeklara ang official colors ng mga bagay na yan? Pinagdedebatehan na ba yan sa kongreso?
5. Ang mga hayop ba pwedeng mag-commit ng suicide?
Bakit ang mga multo tumatagos sa pader pero hindi nahuhulog patagos sa sahig?
Kapag kalbo ba ang chef nagsusuot pa ng hairnet?
Ano ang mas nauunang mangyari, paggising o pagdilat?
- it’s complicated. Part 2 (utot)
6. Bakit lahat yata ng planeta pabilog ang hugis?
- pansin ko lang. Tuwing pinagdodrowing kami ng solar system, lahat pabilog.
7. Bakit tinawag syang Donkey Kong eh di naman sya donkey?
Bakit si Goofy nakadamit pero si Pluto hinde?
Bakit may mga taong takot sa bubwit pero enjoy kay Mickey Mouse, eh dambuhala pa nga yun?
- isang patunay na ang media niloloko ang taong bayan (utot)
8. Kung putol ang isa kong paa at nagpafoot spa ako, may 50% discount ba akong makukuha?
Kung naputol ang dalawa kong paa, babaguhin ko ba ang height ko sa Biodata?
Nalalagas din ba ang b@lb@l sa chemotheraphy?
- iniisip ko in behalf ng mga disabled at misfortunate. *palakpakan*
9. Pag ang pasas ba nababad sa tubig babalik sa dati?
Pwede bang lumuha sa ilalim ng tubig?
- science sucks.
10. Gaano ka dapat kaimportante bago sabihing ikaw ay in-assassinate sa halip na na-murder
- politics suck too.
Filed under: Balita, Comrade&Chilli, House layp | 9 Comments

* ang mga white lady ba may tsinelas??
* bakit si erap may katarata?
* kung ikaw ay papipiliin…pipili ka ba?
tulad mo madami din akong tanong…
matinong tanong mula sa hindi matinong tao…ahahaha -utot sabay apir!!!
chilli: *kung ikaw ay papipiliin..pipili ka ba? LOL (utot) parang pang beauty pageant “Ms. Aruy-aruyan, if you are given a chance… (nanggulat)OWWwhhh….you missed the chance… Ok next question
pwede bang maitanong na rin kung saang lupalop nag-originate ang ‘langit lupa impyerno’ song? bakit lahat na lang ng pilipino eh alam ang kanta non?
chilli: honga no? sino bang kompowser nun..tiyak anlaki na ng royalty sa kanya HAHAHA. Wa pa bang nagclaim..tayo na lang kaya HAHAHA
“Bakit ang mga multo tumatagos sa pader pero hindi nahuhulog patagos sa sahig?”
napaisip ako dito ng malalim. at chaka bakit yung ibang ghost sa tv walang paa at kulay puti, gaya ni casper? pero yung iba meron naman at transluscent lang. bakit?
chaka ano ba talaga ang dapat na damit ng mga ghost? yung damit nila ng namatay sila o yung damit nila nung nilibing sila?
“Bakit si Goofy nakadamit pero si Pluto hinde?”
naisip ko din to, napansin mo din ba na si goofy nagsasalita pero si pluto hindi? ang conclusion ko na lang eh siguro retarded si pluto, kaya ganun.
“Bakit lahat yata ng planeta pabilog ang hugis?”
at Santos yata ang apelido ni Satanas. di ko lang sure ah. pero feeling ko talaga yun eh. Satanas Santos. oha. ge good night.
mahirap paikutin ang square o triangle ng planeta. pano na lang yung magro-rotate at magre-revolve around the sun kung hindi bilog? nakakita ka na ba ng square na bola?
chilli: Satanas Santos…??? LOL (utot)
ang labo ng pagkasulat ko dun ah. tsk. dapat huling paragraph yung tunkol kay satanas. oh well.
mahusay! clap! clap! isang matalinong bata.. copy ko ha para naman madagdagan ang listahan ko tungkol sa mga misteryo ng buhay… gaya ng papano nagawa ang pyramid sa egypt.
chilli: madali lang ang paraan ng paggawa nung pyramid…may mga maliliit na pyramid na free sa mga chichirya, tapos ibababad mo lang sa tubig para lumaki. Ganun! You should try to touch them upclose, parang gelatin mararamdaman mo (utot)
hayop…
angkulit mag-isip…
hahahah… Mrs ata si satanas.. lolz
chilli: yan nga din ang kine-claim ng 9 out of 10 na mister sa Pinas eh..LOL
ahahaha. i love your answer sa comment ni thelostme. hahaha. ang cute.
at ang kulet. buti naman malimit ka na magpost ulet ngayon. (sorry di ako malimit bumisita, busy sa trabaho e)
chilli: naisisingit ko na kasi ulet maskipaps. salamat andyan pa rin kayo para magbasa -apir-
kelan ba sarado ang 7-11? kung bukas sila lagi me lock ba pintuan nila?
chilli: hahaha..the best..honga ano? bat pa kelangan ng lock nun
grabe naman toh. haha
nakakatawa xa infairness.
napaisip ako dun sa…
‘Nalalagas din ba ang b@lb@l sa chemotheraphy?’
nyahahahah
)