Humabol sa Undas
Ramdam na ramdam ko na Nobyembre ngayon. Dahil namatayan kami.
Bumangon ako kanina ng maagang-maaga dahil gusto ko yung nanonood ng palabas sa TV para magising lalo na kung si Bonggang-bonggang BITAG ang pinapanood ko (plugging? -utot). Ternohan mo pa ng pandesal na kasing-init ng kanyang mga expose eh ganadong-ganado na ko pumasok sa trabaho. Pero nabasag at nasira ang araw ko dahil sa nangyari…
Kakagaling ko lang ng banyo non at nagkakamot-kamot pa ko ng tyan ko. Pinindot ko ang switch ng TV. Sabay naupo muna ako sa dining room (na isang hakbang lang ang layo sa living room -utot). Diba may mga TV na medyo matagal mag-warm-up? Yung Unti-unting ang paglitaw ng imahe… ganun yata yung TV namin. Ilang millisecond pa muna ang kailangan bago magkaron ng laman ang screen. Kaya kumuha muna ako ng hot pandesal (na napapansin kong sinlaki na lang ng talangka, sa halagang piso pa rin -utot ). Naghintay ako. Pero ubos ko na ang aking bite -size pandesal eh wala pa ring picture akong makita. Nag-alala na ako. Uminom ako ng kape para matulak ang kinain pero parang nakadagdag lang yon sa kaba. Maya-maya kasi, may nakarinig na lang ako na isang “click” at biglang umilaw na ng pula ang power indicator nangangahulugang hindi na ito green (ang galing ko mag-isip diba? -utot). Wala na. Wala na sya. Patay na ang TV.
“Hindeeeee!!!!!!!” napasigaw na lang ako (na para bang yung sa mga tagalog na pelikula -utot)
Profile ng TV namin: 29″, colored, Japanese (Oo, foreigner sya -utot) at dalawang taon pa lang syang nagagamit. Wala akong balak siraan ang brand ng TV na nabili ko kaya di ko na babanggitin ang tatak. Hint na lang…clue: katunog sya ng salitang sorry -utot.
Sorry nga naman talaga rin ang masasabi ko. Tumawag na lang ako ng electrician. Kinuha ko na yung pinakabatikang mangungumpuni sa buong lupain baranggay (at pati na rin sa kabilang ibayo) para tignan ang karamdaman ng aming TV. Nagpunta sya sa bahay at nagulat ako dahil mukha talaga syang eksperto sa larangan nya. Matanda na, may mahabang balbas, kalbo. Kulang na lang ng kimono at samurai aakalain mo na kung-fu master. Astig. Nagsalita sya “Dito po ba ang bahay ni Chillidobo.” Sumagot ako, “Opo, pero hindi ko po naaalalang tumawag ako ng manunuli na homeservice o albularyo. Electrician po ba kayo” Nagulat sya “Di pa ba halata sa ulo ko, nasunog yan dahil sa kuryente.” “AAAaahhh….0.o…-utot”. Tinignan nya ang TV. Akala nya madali nyang mapipihit-pihit ang TV ko — na parang sumo wrestler sa laki. Pero di nya kinaya. Sinubukan nyang buhatin para matanggalan ng screw pero sa huli wala pa rin
Electrician: 0 TV: 1
…yan ang score sa huli. Wala pa daw syang nare-repair na ganun. Nag-sorry na lang din sya at nagpasalamat sa libreng muscle workout (utot). Nakaburol na ngayon ang TV ko. Kung gusto nyo sumilip o dumalaw, puntahan lang ang address ko na naka-flash ngayon sa inyong monitor (utot). Mag-iisang linggo na rin simula nang wala nang TV sa bahay. Wala ng maingay, wala nang maliwanag, wala nang rason para bumangon ng maaga. Pero nagkaroon ako ng maraming-maraming oras para mag-isip. Para mag-blog. At natanto ko, hindi lang pala sa TV umiikot ang buhay. May internet din pala (utot). At kapag pala walang TV mas humahaba ang oras, sa katunayan alas nueve pa lang tulog na ako (utot). Sabi nga sa kasabihang ingles “Early to bed and early to rise makes a man wise, happy and socially ill” Pero sa totoo lang gusto ko ng bagong TV. Kahit hindi na ganun kalaki. Basta colored. Magpapasko pa naman…gusto ko makapanood ng christmas cartoons tuwing tanghali (meron pa ba nun?).
Filed under: Balita, House layp | 1 Comment

i’m sorry for your loss. mwahugsz na lang ang maio-offer ko sayo. ahihihihi!
sana matupad ni lord [o kaya ni santa claus] ang pangarap mo bago mag-pasko.
at sana pag nakabalik ako ng pilipinas eh mas malaki pa rin ang pandesal kesa sa fishball.
chilli: hahaha, sana nga. Yung pandesal part hindi ko maiaassure..mahal ang harina (utot)