hot mama!
WARNING: Ang post na ito ay may ipapakitang larawan na di angkop sa mga narrow-minded.
INTRO: RAMDAM SA BALAT
Hanggang ngayon para bang nararamdaman ko pa yung hulma ng palad ni Maria sa mga kamay ko. yikeeeee!!! Ewan ko ba. Napakamemorable. Napakasarap nung pakiramdam. Iba talaga pag RAMDAM SA BALAT. Dama mo ang init, ang pulso, ang contour o hubog. At marami pa akong bagay na alam na masarap ramdamin. Pero bago pa ako taasan ng kilay ni Loren Legarda eh itatama ko na ng daan ang post na to at deretso na ko sa topic ko: HUBAD.
And when I say hubad, as in PURE, UNCOVERED, WIDE-OPEN.
Isang araw, nakasakay ako sa bus. Umaga. Lunes. Natural wala na akong iba pang aasahan kundi ang siksikan at ang unahan sa pagsakay, pero awa ng Maykapal nakasakay ako. Pero punong-puno na ang bus kayat sa bandang unahan lamang ako napapwesto. Wala na kong maigigitgit pa. Nakatayo lang ako madalas sa byahe pero ganun pa man, masaya naman kapag nakatayo ka sa bus. Marami kang nakikita. Pero minsan, magugulat ka sa makikita mo. At itong ikukwento kong nakita ko n’on, hindi ko kinaya…
HUBAD. Una, piraso lang muna ng balat. Gusto ko sanang mag-react pero baka sabihan ako ng KJ. Alam ko kasing marami na rin ang nakakapansin maliban sa akin. Dahil ba sa tagal at boring ang byahe? Ewan ko. Inaamin ko gusto ko na sanang picturan ang one-of-a-kind moment pero baka mahalata ako at sabihan ng kung anu-ano. Nanahimik na lang ako. Nagpatuloy ako sa pakikinig ng radyo sa aking CP. Dumadami lalo ang tao sa bus. Aircon pero para bang umiinit na lalo. Dahil kaya naiinitan sya kaya ganun? Siguro. Dahil nang parang nainitan sya lalo, lalo pa niyang inilantad. This time di na sya nahiya. LANTARAN na talaga. HUBAD na talaga. UMAY GULAY! –di ba sya nahihiya?
Para ba akong napangiti. At alam ko marami din ang nagpipigil lang. Nakatitig lang ako. First time ko makakita upclose ng ganito. May mga punto pang inaayug-ayog nya at dinidiin-diin ang parteng yon. Para bang normal lang sa kanya. Kaya this time, di na ko nakapagpigil. Hininto ko sandali ang radyo ko at inactivate ang camera ng CP ko, gusto ko nang kunan ng larawan. Wala nang makakapigil sa akin. At isa pa ayaw kong ako lang ang makikinabang ng kakaibang nakita ko. Gusto ko i-spread sa iba. Ikaw, handa ka na ba makita? Bawal ang maarte dito. Ituloy mo kung gusto mong makakita ng hubad
…na paa ng isang HOT na HOT na MAMAng DRAYBER. OOOO-yeah!
BONUS TRACK: HOT MAMA IN-ACTION
Filed under: Love layp, Work Layp | 10 Comments



bakit kasi ang berde berde ng utak ko. tsk tsk.
chilli: bakit nga ba???… hahaha -utot
RJ pareho tayo. haha.
mahusay na post ito Chilidobo!
at bilib din ako sa paa ni mamang drayber
hahaha
chilli: at paa pa lang yan
makalyo na…paano kaya kung YUN na mismo…baka akalain natin SIKO hahahahay naku!!!! akala ko naman censored to!!!!
chilli: parang dismayado ah…baket? HUAHAHA -utot
aba!!!
may camera na ang phone mo! haha
anong nangyari sa pipi mong cp? haha. congrats!
madami ka nang makukunang hubad nyan. lols
chilli: oo meron na…detachable. LOL. Yung pipi dinonate ko na sa iba (yes…generous!) -utot
“May mga punto pang inaayug-ayog nya at dinidiin-diin ang parteng yon. Para bang normal lang sa kanya”
napakaabnormal talaga ng eksenang to. ambaho na siguro ng paa nung hot mama na yan.
bigla ko naalala yung babaeng naglalakad ng hubo sa may bangketa na nakita ko dati sa marikina. once in a lifetime experience.
chilli: pareho ba kayo ng reaksyon ni kumander? malamang hinde hahaha. Kaw lang natuwa -utot. hula ko lang: nung makalampas kayo don eh binalingan mo yun rearview mirror -apir-
mas mainit ata kung nakahubad ang paa habang nagmamaneho ang mama?
akala ko naman dibdib ng hot MAMA ang makikita ko sayang! lol!
chilli: kaya nya siguro mas gusto…gusto nya may burning sensation sa talampakan…parang finu-foot spa ahahaha -utot
mas mainit ata kung nakahubad ang paa habang nagmamaneho ang mama?
akala ko naman dibdib ng hot MAMA ang makikita ko sayang! lol!
kinabahan ako ng onti don ah.
excting ang post mo.
hahaha.
sana mama, huwag mong ipakita ang iyong paa.
para di na kami umasa asa
sa gusto naming makita.
with the tune of SANA MAMA!
chilli: sosyal ng apelyido ah…parang foreigner na hinde (utot) McKunat hahaha.
Ayos sa kanta, alam ko yan, sinasayaw ko yan sa shower -utot -nde!
Raawrrr!
chilli: HUAHAHAHAHA -utot. Btw, tingin ko napadaan na nga ako doon sa daldalera
weeeew kala ko kung anu na na excite p nmn ako hehe
na grin din ako dun ha …
nyahhaa…
chilli:
HAHAHA