INTRO

Lumapit sa akin si Comrade isang umaga.

Comrade: Dude. Magkasama kami ni Comrade kahapon.

*** sa mga di nakaka-alam, pareho ang pangalan ni Comrade at ng GF nya.*** see post

Chilli: O

Comrade: May nangyari.

Chilli: Anu ba naman yan. Ganun na ba kalamig ngayon??

Comrade: Hinde yung ganun ng “nangyari”. Iba yung nangyari.

Chilli: kwento pa.

Comrade: Sinundo ko sya sa school nya, syempre paglabas nya BESO kami. Tapos binuhat ko bag nya para ako na maghirapdala

Chilli: gentleman -utot

Comrade: Eh kilala mo yun diba. Di agad umuuwi, may dinadaanan bang bilihan ng mga abubot yon palagi. Para bang araw-araw dapat may bagong bibilhin. So dumaan kami dun sa may tiangge. Pumasok sya, habang dun naman lang ako sa labas tumitingin ng CD

Chilli: tapos

Comrade: Biglang nagkaroon ng HULIHAN. Nagtakbuhan yung mga tao. Nagkagulo. Napatigil ako, gusto ko sanang tignan kung nandun si idol Edu Manzano. Nagsisikaripas ng takbo yung mga nagtitinda. Syempre mabilis

Chilli: Oo nga, tapos…

Comrade: Syempre natataranta na sila kasi baka madala sila sa presinto

Chilli: Oo nga, tapos…

Comrade: Syempre dala-dala nila yung mga paninda nila na nakabalot lang sa banig

Chilli: Oo na nga…ano na nga!!!???

Comrade: may….nahulog….na…CD….sa harap…..ko….sa bangdang harap….di naman harap na harap…per-

Chilli: Anong title? Clear copy ba? Peram

Comrade: Pangalan ng Exclusive School eh…

Chilli: Nakupo, yan ba yung tipong lipstick lang yung suot ng nasa cover?

Comrade: (tangu-tango)

Chilli: Pinulot mo ba?

Comrade: tinignan ko kung may dadampot….wala naman…

Chilli: Kaya dinampot mo na?

Comrade: Nilagay ko sa bag.

Chilli: yung VCD?

Comrade: DVD 9

Chilli: good choice -utot. EHEM. O Tapos?

Comrade: Edi okey na. Kain kami sa labas. Kwentuhan. Tapos hinatid ko na sya sa bahay. Umuwi na rin ako. Tapos kinagabihan may kumatok sa bahay. Nagulat ako. Si Comrade. Parang galit. Hawak nya yung VCD

Chilli: DVD 9 sabi mo diba?

Comrade: Yun na nga. Naiwan sa bag nya.

Chilli: Anong reaksyon nya??

Comrade: Nanlalaki yung mga mata.

Chilli: Gaano kalaki?

Comrade: ganito –>  0.0

Chilli: Malaki ba yan

Comrade: Usually ganito lang eh –>  -.-

Chilli: Patay. Tapos?

Comrade: Tinanong ako, “Kelan ka pa natutong bumili ng ganito?”

Chilli: Yare. Anong sinagot mo?

Comrade: Di akin yan no!

Chilli: Utot. Humanda ka na para sa pitong taon ng KARMA.

Comrade: (kagat labi) Di nga ako makasagot nun eh. Eh Kung Kaw Kaya nasa posisyon ko anong masasagot mo?

Chilli: alam mo magandang tanong yan. Dyan ka muna magpopost lang ako sa blog.

Comrade: Wui! (ampft)

**************************************

Maraming magagandang eksena sa buhay gaya ng nangyari kay Comrade. Pero mas maraming magagandang eksena sa pelikula diba? -apir- Sa sobrang ganda para bang gusto ko na na ako yung nandun. Halimbawa, tinanong ko ang dalubhasang blogger na si GASTI at heto ang kanyang pinakawalan na ehemplo:

Napili nyang gusto nya na gawing eksena ay ang isang makababagdamdaming linya na binanggit ng batikang aktor na si Raymond Bagatsing sa isang eksenang puno ng damdamin at drama. And I quote…“Wag kang gagalaw, sya ang nasa ibabaw.” From the movie of the same profound title, co-starring Priscilla Almeda.

May mga sitwasyon talaga na masasabi nating WISH KO LANG ako sana yon. Pwes bibigyang katuparan natin yan dito sa blog ko, CHILLIDOBO style. EKKK, as in Eh Kung ‘Kaw Kaya. Mga eksena sa pelikulang BOX OFFICE na kung tayo ang gaganap, ano kayang makabagbag-damdaming linya ang ating kayang bitawan. Ipopost ko para ngayong pagkakataon ang isang EKKKsena sa twilight the movie ng author na si stephenie meyer… (aasarin ko na naman ang ate kong mahal sa pamamagitan ng EKKK-senang ito)

ekkk1

Eh, Kung ‘Kaw Kaya si EDWARD sa EKKKsenang ito, anong isasagot mo?

O sige, mauna na muna ako, -utot

1. …I’m glad I’ve MET

2. …Inggit ka naman sa beauty ko?

3. …You’re brain, it’s so dumb. Of course im white.

4. …Edi mag LIKAS PAPAYA ka na rin

5. …Pinaglihi kasi ako sa b@!@g

Bella: But shouldn’t those be black?

…ni POWDER naman no

Hanggang sa susunod na EKKK!



7 Responses to “EKKK: Eh Kung ‘Kaw Kaya?”  

  1. ang sasagot ko diyan?
    “maxi peel lang ang gamit ko.”

    :)

  2. ang sagot ko dyan: “nasaksak kasi ako sa kanto” lols

  3. 3 mangbadoy

    glutamaxx yan… si jinky oda nga pumuti ako pa… laos na ang maxi peel

  4. “only bello touches my skin,,, can i touch yours??”
    nyahahahaha… aus sa bagong pakulo.

  5. 5 faith

    “and so??” ahahahahah…
    mukang panahon ng twilight dito sa blog mo ah…ahahah
    apir!!! utot-

  6. ahahha! ang kulet ng comments.

    kung ako “and your skin has many peklat. like yah…” what? i dunno.

  7. 7 chillidobo

    hahaha..super ang mga banat ninyong lahat ah! -apir- ininternalize talaga lol


Leave a Reply