Rebolusyon
Idol ko si Andres Bonifacio, siya ang nagpatunay na ang mga emo ang syang hari ng rebolusyon (see hairstyle), sumunod lang si Rizal (see hairstyle). Kilala si Bonifacio bilang matapang na tao. Ating
makikita sa kanyang rebulto sa may Monumento kung saan nakasigaw sya at hawak ang itak at bandila ay naghuhumiyaw na ang wika ay “Subukan nyong paabutin yang LRT dito magkakamatayan tayo!”(utot)
Rebolusyon. Putek. Yan ang nararamdaman ko ngayon by the way matapos kong upakan yung special shawarma kagabi sabay bulagta para matulog sa malamig na sahig. Pagkagising ko parang di ako natunawan at kitang-kita sa aking byproduct na kelangan ko kumain ng pagkain high in fiber (utot -ito totoo to). Rebolusyon ang tawag sa pag-ikot ng isang bagay. Rebolusyon ng gulong, rebolusyon ng mundo, at maging ang baril revolver ay bininyagang ganyon dahil sa pag-ikot ng barrel nito sa tuwing ito’y pumuputok.
By the way!
Ang etimolohiya ng salitang baril ay dahil sa barrel na parte nito kung saan inilalagay nag bala ng rebolber. Sinasabing isa sa mga ninuno natin ang nagtanong sa isang sinaunang foreigner tungkol sa nililinis nitong pistol.
Pinoy: Wat is dat? (at ang naturo ay ang barrel na kasalukuyang nililinis)
Foreigner: Oh, this is a barrel
Pinoy: Ahhh… baril.
JARAN! (Maniwala tanga -utot)
Sa pagnanais kong maisakatuparan ang aking pangarap na pagdi-direk ng mga blockbuster na bomba films, nais kong magkaroon ng revolution sa industriya ng sining. Nais kong gawin ang mga hindi pa nagagawa ng mga naunang direktor. Paartehin ang mga aktor ng di sa usual na paraan. Gagawa ako ng isang love scene kung saan parehong balot na balot sa damit ang mga gaganap. Pagbigkasin sila ng mga lengwaheng di pa nila nabibigkas, kung ang Panaghoy sa suba ay sa Bisaya, at ang ploning ay Cuyonon, gagawa ako ng pelikula sa wikang mekekekwek na lengwahe nina sitsiritsit at alibangbang. Ngayon lang sila makakasambit ng mga dialog gaya ng “//#$@^&&&&##@#$@!%%!!Ü” at mananalo sila ng award! *palakpakan* Steeg! (utot)
At ito ang pinakaunang installment ko nito:
palagay ko kelangan ko nang magpagawa ng malaking trophy case. Watchathink?
Filed under: Art | 8 Comments


galing galing! hahaha! astegs.
congratulations sa iyong filmmaking career. hahaha!
*&^*&%&%*)_(*
chilli: sarap talaga magphotoshop! (utot)
ang cute ni jet li. parang karakter lang sya sa lord of the rings. bwehehe. sana magkaroon ng flicks ang gcmj boys. hehe
chilli: lols. tinitigan kong mabuti at narealize ko tama ka, mukha syang kapatid sa labas ni legolas -apir-
kwela yung etymology mo ng baril ah..
chilli: natutunan ko yan sa school (…ni joey de leon -Utot)
ok talaga ang mga pautot mo ah…ha..ha..
mekekekwek-turuan mo ako nito ha para next time na magkita kami ni sitsiritsit at alibambang ay magkaintindihan na kami. kuleet
ayos, benta sa akin yung etimolohiya ng baril.hmf!
at kahit lungher na si jetli, isa pa din an naaalala ko sa kanya, “gleyt bil” ika nya sa ad ng beer.
pero tama nga si boss jeck, para ngang taga lord op da rings sya.
flyfly!
*** pede sali??? ***
.._harharhar..,,,astig talaga…hmmmm
.._wattanice..emo ba talaga ang maghaharisafuture…