Egg Shot

10Ene09

Simula nung magkaroon ako ng camerang may cellphone (Utot) eh sinimulan ko nang idebelop ang aking artistic, cinematographic, photographic at kung anu-ano pang skills na may “-ic”. Nakakaaliw. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit puro picture-taking ang inaatupag ng ilang tao. masaya eh. Iba ang pakiramdam pag may nakukuha kang mga moments gamit ang iyong camera. Ako, na cellphone camera lang ang gamit, ay medyo hirap na kumuha ng mga magagandang picture. Pagtyagaan nyo muna tong ilang mga kuha ko sa cp…

ws_beautiful_flower_1024x768birdgalaxy

Pagtiisan nyo na kasi minsan may mga shots talaga na blurred… mintis… over-exposed (utot)..lalo pag may sumabay na magtext bigla… o kaya nalowbatt ako, mga ganun pero pag may chumamba, aba’y ngiting hanggang tenga na yan.

Pwede na pala ako nitong maging investigative journalist (pakialamero, in tagalog. Epal, sa salitang balbal) dahil kahit saan pwede na akong makakuha ng expose. Idol ko si Gas Abelgas. Napakamodulated ng boses nya. Pag nagkita kami reregaluhan ko sya ng isang bote ng Vicks 44 cough control.

Gas: SOCO?

Chilli: Hinde, Suck Mo

Gas: Ah, Suck Ko.

-apir-

Actually, nagsimula na ang aking pagiging I.J. , nitong nakaraang December. Minsang nakasakay ako sa bus na naghihintay na mapuno bago umalis. Nakapwesto ako sa may bintana para di naman boring. May namataan akong mag-jowa dun sa isang waiting shed. Naglalampungan. Nagpapatotoong malamig ang simoy ng hangin. Haay. Para bang gusto kong kunan ng video at i-submit sa boybastos.com, kaso pinasara na pala. Utot. Pwede rin namang i-adobe ko ang mukha ko at ni Maria sa video. LOL. Kainggit. Ang sweet-sweet nila para na silang arnibal na nagkatawang tao. Maya-maya pumara na ng masasakyan yung babae. gud bay na rin si lalake. Sumakay si lalake sa sinasakyan kong bus. SRO na lang ang bus at siksikan na rin. Nakatingin ako dun sa lalake na mukha pa ring tuwang-tuwa kahit naka-alis na si babae. Haay, pag-ibig nga naman…parang shabu. Nakaka-high. Utot. Nasa isip ko “Napakaswerte nitong lalakeng to siguro. Parang blanko pa rin ang tingin ng mata pero yung ngiti hanggang tenga. What’s his secret?” Nalaman ko naman bago ako makababa ng bus..mamaya malalaman nyo rin. Nagsimulang umandar ang bus. At umandar na rin ang aking pagka-J.I. At di nagtagal may napansin na akong kakaiba. Agad kong kinuha ang aking camera at CLICK! -case closed- Continue reading ‘Egg Shot’


Resolution

09Ene09

Tambay.

Chilli: So anong bago sa nyo ngayong new year, dude?

Comrade: Well, marami akong napagnilaynilayang mga bagay-bagay.

Chilli: Naks! Yan ba inatupag mo nitong bakasyon

Comrade: Hinde, kanina lang bago bumangon.

Utot

Chilli: Ano yan, new year’s resolution

Comrade: Yeap. You will be proud of me my friend.

Chilli: Sige, nga… share

Comrade: Teka, ikaw ba meron ding new year’s resolution?

Chilli: Ofcourse.

Comrade: Talaga, ano?

Chilli: Kaw muna

Comrade: Sige. Ang aking new year’s resolution ay may kalaliman. Naalala mo yung nagtrabaho ako sa call center?

Chilli: Yung halos magbuhay-paniki ka na. Yung kapag tinatanong ka eh di mo na alam kung anong petsa na

Comrade: Tumpak! Yung pakiramdam ko eh ako si Edward ng pelikulang Twilight

Chilli: Dahil buhay bampira?

Comrade: Hinde, dahil mukha na kong di naliligo.

Chilli: Oh eh diba totoo naman. Anyway, anong koneksyon non?

Comrade: Dude, di na ako magsasalita ng ingles. Mahal ko na ang sarili nating wika. Di mo na ako maririnig magbanggit ng wikang banyaga.

Chilli: Talaga, hindi na?

Comrade: Never again! Utot.

Chilli: Parang narinig ko na to, porkchop to eh. Utot. Ako ang new year’s resolution ko eh hindi na ako magsasalita ng tapos.

Comrade: Ang galeng. Eh paano kung… ?

Chilli. ah basta, PERIOD. Utot.


Pa-utot

08Ene09

Matapos ang napakahabang bakasyon na kain-tulog-t@3 (KTT) lang ang inaatupag eh balik trabaho na naman. Wooohooo! (bakit ba ako masaya? -utot)

Kapag binabalikan ko ang mga nangyari noong christmas at newyear break eh di maiwasang mapuno ang isip ko… ng hangin. Dahil wala nga akong inatupag kundi -KTT. Tumaba lang ako ng mga wan en a hap inch. Ganun talaga ang mangyayari kung ang tao eh humihilata at nagte-text na lang pagkatapos lumafang. Utot. Uy!!! Text! So KTTT na pala. Kain-Tulog-T@3-Text. Minsan sabay yung dalawang huli. Minsan yung Una saka huli. Sa kabutihang palad hindi naman nagsabay yung second at third. Utot.

Marami akong kwentong nakalap pero iisa-isahin ko na lang ngayong Enero, (abangan nyo na lang at aabangan ko rin -utot) maraming exciting na nangyari kahit KTTT lang ako. Dahil nag-Travel din ako

Comrade: Sosyal!

Uy! Travel..another T. So KTTT-T. At yep, pwede ring kombinahin ang T na yan sa iba pang nabanggit. Bahala na kayong umisip sa TT ninyo. Utot.

Dapat talaga bukas pa ako magpopost..pero di ko lang talaga kayang itago pa ang kasiyahan kong naramdaman kahapon pa (so isang araw na syang nabuburo sa utak ko at isang araw ko na syang kinakabaliwan). Isang bagong discovery para sa inyong lingkod, na tunay namang nagpasiklab ng aking unang linggo ng aking 2009. Eto yon. Continue reading ‘Pa-utot’


Backtrack tayo sa buwan ng October

Simula nung naging trend ang pag-inom ng mga bottled natural juice drinks eh naki-uso na rin ako. Madalas akong bumili sa Sebenileben ng Situ o ng Pab (utot). Goal ko ba na magpababa ng timbang at magbawas ng bilbil? Hinde. Nakikiuso lang ako sa mga taong mahilig magbitbit ng mga boteng plastic. Kada bili ko kapag naubos ko na eh iniimbak ko sa drawer ko, dahil alam ko meron akong pananagutan sa kalikasan  (takot akong tamaan ng kidlat) kung itatapon ko na lang basta-basta yung basura ko sa kung saan-saan gaya ng sidewalk, elebeytor at opis ng boss. Simple lang ang routine: bote-drawer, bote-drawer, bote-drawer. Malamang sa kasimplehan nyan matalo ko pa si Dora sa pagmemorize. Dumalas ng dumalas hanggang sa di ko na malagyan pa ang drawer. OMG! Anong gagawin ko sa mga boteng ito? Nag-isip ako. Wala akong maisip. Utot.

Malapit na ang UNDAS (remember backtrack ito – utot), pwede ko sigurong gawing candle holder ang mga ito. Yeeeessss…nag-iisip. Pero baka naman pag ginawa ko yon eh may magcomment sa akin:  “Brownout ba?” “San ang birthday?” “Diba bawal na ang dynamite fishing”. Kaya ibinasura ko na ang walang kwentang ideyang yon at nagpiga ng iba pang pwedeng gawin. Ibenta ko kaya sa recycling shop. Tama! At kikita pa ako. Ang kaso, per kilo ang bentahan dun at itong nasa akin eh wala pa yatang wamport.

Junkboy: Boss, dalawang guhit. Eto Tripipti

Chilli: Utot.

Alam ko may iba pang pakinabang yan maliban sa maging tampukan ng kantyaw at tumbasan ng tripipti pesos. Pero di ko pa sa ngayon malaman. Inimbak ko muna ang mga bote sa bahay namin ng mga isang buwan.Hanggang sa sumapit ang Continue reading ‘Project: TUBElen’


Ang nakasaad sa ibaba ay tunay ng conversation ni Comrade at ni Ako (utot) December 07, 2008 gamit ang isang online instant messenger (dahil wala kaming mga load -utot)

Comrade: dude!

Chilli: ASL pls

Comrade: Sira, ako to

Chilli: uy dude, wazzapers?

Comrade: Nanakawan ka raw?

Chilli: Oo, kainis. sad

Comrade: Anung nawala sau

Chilli: pera dude

Comrade: ha san ka nawala?

Comrade: i mean san ka nawalan

Chilli: sa antipolo

Chilli: sa dorm

Comrade: bakit anung nangyari? Continue reading ‘Much Needed Comrade Chat’